A seguir

3 arestado sa buy-bust sa Parañaque

15/05/24
ABS-CBN News
Dentro Ásia

PARAÑAQUE — Arestado ang tatlong indibidwal na sangkot umano sa ilegal na droga sa Parañaque City nitong Miyerkoles. Ayon sa Parañaque Police, nahuli ang mga suspek bandang alas kwatro ng madaling araw sa Barangay San Martin de Porres. Nakakuha ng tip ang pulisya sa kanilang informant kaugnay ng kinaroroonan ng target na si alyas James. “Bali po ang aming subject ay lumabas po sa aming custodial debriefing sa mga nauna po naming nahuli,” sabi ni PMaj. Romulo Villanueva, hepe ng Parañaque City Police Station Drug Enforcement Unit. (SDEU). “Noong nandun na kami sa area, nung nagpositive at na consummate po yung buy-bust, saka po namin hinuli,” dagdag niya. Inaresto si alyas James at ang live-in partner niyang si alyas Maria sa operasyon. Hinuli rin si alyas Mark na naaktuhan umano na bumibili ng ilegal na droga. Nakumpiska mula sa mga suspek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu may street value na 170,000 pesos. Inamin nina alyas James at alyas Mark na gumagamit umano sila ng ilegal na droga pero hindi umano sila nagbebenta. "Gumagamit po. Mga one year na po,” sabi ni alyas James. “Naglalaro po ako ng ano scatter yung slot po. Naglalaro po ako tapos bigla kaming pinasok. Gumagamit po ako medyo matagal tagal na mga one year na rin siguro,” sabi ni alyas Mark. Itinanggi rin ni alyas Maria na gumagamit at nagbebenta siya ng ilegal na droga. “Hindi naman po sa akin yun. Hindi po ako gumagamit. Hindi po sa akin yung drugs na yun,” sabi ni alyas Maria. Mahaharap ang mga suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Mostre mais

 0 Comentários sort   Ordenar por


A seguir