Suivant

Pag-aresto sa wanted huli sa camera

22/05/24
ABS-CBN News
Dans Asie / Philippines

Matapos ang dalawang taong pagtatago, nasakote ng mga otoridad hapon ng Lunes sa Bgy. Commonwealth sa Quezon City ang isang lalaki na may warrant of arrest sa pangmomolestiya ng menor de edad, Makikita sa video ng PNP na inaresto nila ang lalaki habang nasa trabaho siya sa isang junk shop sa lungsod. Sinilbihan ng arrest warrant ang suspek at binasahan ng kanyang mga karapatan. Ayon sa paunang ulat ng Batasan Police, nangyari ang pangmomolestiya ng suspek sa biktima sa Cabusao, Camarines Sur noong 2022. Number one sa Most Wanted List ng Cabusao Municipal Police Station ang suspek. Lumabas din sa imbestigasyon ng otoridad na may isa pang warrant of arrest sa suspek para naman sa kasong rape na nangyari rin noong 2022 sa parehong munisipalidad. Inihahanda na ang mga dokumento para sa return of warrant, habang nakatakda ring ibiyahe ang suspek patungong Camarines Sur. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Watch full episodes on iWantTFC for FREE here: http://iwanttfc.com Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews

Montre plus

 0 commentaires sort   Trier par


Suivant